Aking Ama
- Nhelmar Atienza
- Jun 18, 2021
- 1 min read
Updated: Jul 18, 2021
by: Nhelmar Atienza

Isang araw, nakita kita
Ika'y namamalimos sa gilid ng kalsada
Nakita ko kung paano ka humingi ng barya sa mga taong sa'yo'y nakakakita
Nakita ko kung paano ka nilalayuan na parang may sakit na nakakahawa.
Agad ako sa'yo'y lumapit
Niyakap ka nang mahigpit, hindi nagdalawang-isip
Pagtinginan man ng iba
Hindi inalintana
Ako'y nakaramdam ng kakaiba,
Kakaibang nais tulungan ka
Hindi nangamba na baka ika'y may gawing hindi maganda
Ang maamo mong mukha'y napalitan ng tuwa at saya.
Ako'y hindi nakuntento sa simpleng pagtulong sa'yo
Lumipas ang araw at linggo,
Ako'y bumabalik sa lugar na ito
Dala-dala ang mumunting regalo para sa'yo at sa pamilya mo.
Panata ko na ata ang tulungan kayo
Ewan ko, pero ito lang ang naiisip ko
May kung ano sa puso ko
Na dapat ay tulungan kayo.
Araw-araw, linggo-linggo
Ay nagtutungo ako sa inyo
Ngunit makalipas lamang ang anim na buwan
Ang pamilya mo'y naglahong parang bula sa kalangitan
Ilang taon ang nagdaan ng hindi natin pagkikita,
Halos ikaw ay nakalimutan na nga
Ngunit ika'y muling nagbalik
Nakasuot ng magarang damit.
Halatang ang buhay nyo'y maayos na
Kung hindi mo lang sa akinn pinaalala
Kung sino ka noon sa buhay kong ngayo'y patapon na
May isa pala akong taong napasaya.
Iyong kinuwento kung bakit noo'y nawala kayo
Ang iyong anak ay nakitta mo
Iyong anak na dahilan ng pangungulila mo,
Naikwento mo.
Naikwento mo na nakita nya kamo
Ang pag-post ko ng larawan nyo
At agad syang gumawa ng paraan
Upang makita kayo nang mabilisan.
Inuwi ka kasama ang mga apo mo
Sa ibang bansa, doon tumira kayo
At ngayon iyon ibinabalik ang bagay na ginawa ko
Sa iba at sa ibang nangangailangan nito.
Ikaw, ikaw ang nagsilbing tatay
Na sa akin ay gumabay
Pagmamahal ng isang ama, sa'yo ko naramdaman, Itay
Maraming salamat sa'yo, aking itinuturing na tatay.





Comments