top of page

Bakit?

  • Writer: Nhelmar Atienza
    Nhelmar Atienza
  • Oct 27, 2021
  • 1 min read

by Nhelmar Atienza and Jeremy Martin



Tadhana, tadhana, tadhana

Bakit 'kay gulo mong talaga? Akala ko ba'y sya na?

S'ya lang pala ang sa akin ay itinadhana,

Ngunit hindi nakatakda.


Tadhana, tadhana, tadhana

Bakit kailangan mong kami'y pagtagpuin kung kami'y paghihiwalayin mo din?

Sabi mo'y masaya, oo masaya,

Ngunit bakit ang puso'y kailangang maghirap din?


Masakit magmahal ngunit saya'y dala-dala

Kasiyahang makita syang masaya

Kahit sa ppiling ng iba

Oh 'diba masaya?


Bakit kailangan pang mahalin

Ang taong sakit ang idudulot sa akin?

Ngunit kahit ayoko ang nararamdaman ko,

Bakit patuloy itong tumitibok para sa'yo?


Bakit kahit anong sakit ang iganti mo,

Pagmamahal pa rin ang sukli ko?

Bakit kailangang ikaw pa ang mapusuan nito?

Kahit alam kong hindi mo kayang suklian ito?


Bakit sakit ang nararamdaman ko,

Sa kabila ng pagmamahal ko sa'yo?


Oo nga pala, ang mundo nati'y magkaiba

Minamahal kita habang ang mahal mo ay siya.

Ngunit bakit mas masakit ka atang mahalin?

Oo nga pala, hindi ka nga pala akin.


Bakit napakagulo mo, tadhana?

Bakit napunta ako sa taong hindi sa akin nakatakda?

Bakit kaylangan ko pang manatili

Kahit alam kong iba ang sa kanya'y magpapangiti?


Bakit kailangan kong magpakatanga

Sa taong hindi naman ako mahalaga?


Isa lang naman ang nais ko,

Ang mahalin ng taong minamahal ko.

Pero mukhang sumablay ako.

Sa dasal ba sa Maykapal, kinulang pa ba ako?

Recent Posts

See All

Comments


Thanks for submitting!

Let me know what's on your mind

© 2023 by Turning Heads. Proudly created with Wix.com

bottom of page