Anino
- Nhelmar Atienza
- Oct 27, 2021
- 1 min read
by Nhelmar Atienza

Ulan, sa gitna ng ulan kita nasilayan.
Ika'y naglalakad sa gitna ng kung saan,
Sa iyong mukha kita ang kalungkutan
Tumakbo ako't sayo'y lumapit
Isinilong kita sa payong na aking bitbit bago ka pa magkasakit
Laking gulat ko nang ilabas mo ang payong mong bitbit
At isilong rito ang babaeng may kasamang lalaki at nakakunyapit.
Nakita ko kung gaano ka kasaya nang makita mo sya.
Tila ba ang iyong mga luha'y biglang nawala.
Kahit alam mong iba na ang sa kanyang nagpapasaya.
Ika'y isa na lamang anino, isang madilim na nakaraan, para sa kanya.
Ngunit hindi pala nalalayo ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko,
Ako'y katulad mo na isang anino.
Sunod ng sunod sa taong hindi naman ako ang gusto.
At parte na lamang ng nakaraan mo.





Comments