Tahanan
- Nhelmar Atienza
- Oct 27, 2021
- 1 min read
by Nhelmar Atienza

Lagi na lang ba?
Lagi na lang ba akong mag-iisa?
Tuwing gabi'y iiyak sa tabi
Isusumbat sa mundo ang lahat ng pighati.
Ang tinatago-tagong sakit
Na nagmumula sa dibdib
Lagi na lang ba akong mag-iisa
Sa mundo na walang ibang kasama?
Sa mundo na ako ang bida
At ako ang kontrabida
Teka, teka, hindi nga pala ako naging bida
Dahil sa istoryang ito, ako lang ang kontrabida

Nagkakamali ka,
Hindi ka nag-iisa.
Sa pag-iyak sa gabi, kasama mo'y ako
Ako ang syang lumalaban para sayo
Hinaing na itinatago-tago mo
Ako ang unang nakakaalam nito.
Hindi mo man sambitin o hingin,
Ako'y nandirito pa rin.
Sa mundo ko, ikaw ang bida,
Ikaw ang nangunguna.
Huwag kang mag-alala,
Ang para sa'yo'y malapit na.
Malapit na,
Malapit na akong mawalan ng gana.
Sa'yo at sa buhay na mayroon ako.
Hanggang kailan ako maghihintay sa taong hindi naman ako ang hinihintay?
Huwag, pakiusap huwag kang sumuko
Pinaglaban kita, sana'y ipaglaban mo rin ako.
Ang tahanan ko'y laging nakabukas para sa'yo,
Halika, ako'y puntahan mo ako.






Comments