top of page

Rebound

  • Writer: Nhelmar Atienza
    Nhelmar Atienza
  • Oct 27, 2021
  • 1 min read

by Nhelmar Atienza


Kailan nga ba ako magkakaroon ng parte dyan sa puso mo?

Kailan nga ba magiging ako?

Halos alam ko na nga ang talambuhay nya kaka-kwento mo

Napa-isip ako, kinukwento mo rin kaya ako sa ibang kakilala mo?


Ang iyong kasiyahan

Sa tuwing sya'y ating pinagkukwentuhan,

Kung gaano ka kinikilig kapag naririnig

Ang boses nyang kay sarap sa iyong pandinig


Ay minsan kong pinangarap

Na sana'y ako naman

Akong patuloy na nagmamahal

Sa tulad mo kahit patuloy akong nasasaktan.


Oo nga pala, ano nga bang aasahan ko

Kilala mo lang naman ako kapag wala sya sa tabi mo

Andito naman ako,

Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?


Alam kong ako'y nagkamali

Na ika'y aking pinili

Ngunit masaktan man ako nang paulit-ulit,

Ika'y mamahalin pa ring pilit.


Mananatili pa bang puso'y nasa iyo

Kung ang puso mo'y kusang lumalayo?

Dapat pa nga bang umasa

O nararapat lang na lumisan na


Anuman ang sabihin ko

Mananatiling puso ko'y sa'yo

Kahit alam kong malabong maging tayo,

Bakit ikaw pa rin ang pinipili nito?


Ang sakit isiping ika'y malabong maging akin

Ngunit bakit?

Bakit kahit alam ko ng hindi maaari,

Ay umaasa at nananalanging sana'y maging tayo pa rin.


Ang tunay na pagmamahal na iyong ipinaramdam

Ay syang nagdudulot sa akin ng kaligayahan.

Itong pagmamahal ay sana'y walang hanggan

Ngunit ang puso mo'y di sa akin nakalaan.

Recent Posts

See All

Comments


Thanks for submitting!

Let me know what's on your mind

© 2023 by Turning Heads. Proudly created with Wix.com

bottom of page