Kahit anong Laban ko, Ako pa rin ang Talo
- Nhelmar Atienza
- Jun 13, 2021
- 2 min read
Updated: Jul 18, 2021
by: Nhelmar Atienza

'A heartbreaks of my friend'
Buti pa ang panahon, may pag-asa
Habang tayong dalawa,
Ako na lang ang umaasa.
Ang sakit lang isipin
Na sya ang pinili mo kesa sa akin
Ang sakit lang isipin
Na kung sino pa ang nagmamahal ng totoo
Ay sya pang nasasaktan ng todo-todo
Ngunit wag kang mag-alala
Mahal pa rin kita
At ipaglalaban ko
Kung ano ang meron tayo
Hindi ko hahayaan na ako ang matalo
Sa labang ito kahit alam ko
Na kahit anong laban ko
Ako pa rin ang lalabas na talo
Ngunit nagtataka lang ako,
Bakit sya ang pinili mo?
Ay hindi pala.
Bakit sya ang minahal mo?
Bumaba na ba ang standards mo?
Di hamak na mas maganda naman ako.
Tama nga ang sabi nila
Wagi ng malandi ang maganda
Oo malandi lang sya
Mali pala,
Mahaba lang sya
Ngunit kahit kailan hindi sya magiging maganda
Nahigitan man nya ako
Dyan sa puso mo
Ngunit hindi nya mahihigitan
Ang pagmamahal at sayang ibinigay ko
Tulad ng sinabi ko
Aasa pa rin ako.
Lalaban ako
At hanggang ngayon ikaw pa rin ang tinitibok nito
At patuloy na ikaw lang ang tinitibok nito
Kahit sobrang sakit na ng ginagawa mo
At sumasakit pa ito
Sa tuwing pinapaalala mong "hanggang kaibigan na lang tayo"
Bakit sa ating dalawa,
Ako lang ang nagdurusa?
Bakit sa ating dalawa,
Ikaw lang ang sumasaya?
May kulang ba sa akin
Kaya naghanap ka?
Ipaintindi mo naman sa akin
Pipilitin kong gawin
Kahit ano bumalik ka lang sa akin
At ipapangako ko sayo
Kakalimutan ko ang babaeng
Minsang nagpatibok dyan sa puso mo
Para sa pagmamahal ko sayo
Aasa ako
Na tayo parin ang tatapos
Ng istoryang sinimulang nating dal'wa
Ayokong ako lang ang tatapos ng istoryang minsan nating binuo
Magmukha man akong martir o tanga
Sa paningin ng iba
Wala akong pakialam
Dahil ikaw
Ikaw ang nagpapaikot ng mundo ko
Ikaw ang inspirasyon ko
Ikaw ang buhay ko
Ikaw ang lahat sa akin
Dahil ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko.
Ikaw at ikaw lang ang kukumpleto ng buhay ko.





Comments