top of page

Kasiyahan

  • Writer: Nhelmar Atienza
    Nhelmar Atienza
  • Sep 5, 2021
  • 1 min read

Updated: Sep 12, 2021

By yours truly

May mga bagay na dapat sinasakripisyo

Hindi para sa'yo, kun'di sa ibang tao, oo

Hindi para sayo, ngunit para sa ikabubuti mo

At ng taong dahilan ng kasiyahan mo.

Isang taong nagkaroon ng malaking parte sa buhay mo.

Sino ba ako para ipagkait ito sa'yo?


Kahit masaktan, makita lang ang iyong kaligayahan na sa labi mo nagmumula,

Mga ngiting iyong hatid dahil sa dulot nilang saya at ngiti

Mga ingay nyong nakakarindi sa pandinig ngunit huwag kang mag-alala,

Tatanggapin ko basta't ika'y masaya

Dahil masaya akong makita kang masaya, kahit hindi ako ang kasama.

Oo, kaya ko. Kaya kong pigilan ang nararamdaman ko. Ang sakit, galit, lungkot, pighati at selos, oo. Kaya ko. Kaya ko kahit hirap na hirap na ako. Kinakaya ko. Kinakaya ko para sayo, para sa inyo. Ang totoo Hindi ako makangiti kapag nakikita kayo Hindi ako makatingin dahil nasasaktan ako. Ngunit masaya ako. Masaya ako para sa'yo. Ayokong muling masira ang kung anong meron kayo Kaya kahit masakit ay iintindihin ko Kahit sa loob-loob ay gusto nang kumawala nito. Ayos lang basta't para sa'yo. Gagawin ko ang lahat makita lang ang ngiti sa labi mo

Recent Posts

See All

Comments


Thanks for submitting!

Let me know what's on your mind

© 2023 by Turning Heads. Proudly created with Wix.com

bottom of page