top of page

Limang Dahilan

  • Writer: Nhelmar Atienza
    Nhelmar Atienza
  • Oct 5, 2021
  • 1 min read

by: Nhelmar Atienza and Carol Gregorio

Limang dahilan ng aming paglaban sa loob ng paaralan, napapaligiran ng apat na sulok ng silid-aralan, atin nang simulan.


Isa. Isang taong sa amin ay nagkalinga sa loob ng halos anim na buwan o isang semestre ika'y aming naging ina. Inang sa amin ay nagmahal, sumuporta at patuloy na sumusuporta.


Pangalawa. Pangalawang inang sa amin ay gumabay, nagmahal at tunay kaming iningatan. Dahil ikaw ay hindi lang guro, tinuring ka rin naming kaibigan sa loob man o labas ng paaralan.


Tatlo. Tatlong salita ang nais bigkasin, namumutawi sa aking mga labi, "Mahal kita, sobra", aming isusukli. Kabayaran sa dulot mong saya at ngiti.


Apat. Ina, ate , kaibigan at guro, apat na salitang dulot mo sa amin ay dala-dala mo. Hindi inaasahang kami'y mapapalapit sa'yo.


Lima. Limang hakbang paakyat. Paakyat sa tagumpay na pinapangarap, ngayon kami ay desidido na makarating sa dulo dahil sa turo, gabay at pagmamahal mo. Ngayon kami'y tumatayo sa harap mo. Nangangakong hanggang sa dulo, kaming mga anak mo ay patuloy na magmamahal sa'yo.


Pangakong kailanman ay hindi makakalimutan. Lagi 'din naming tatandaan na kahit saan kami mapunta ay dala namin ang alaala na ika'y naging bahagi ng makulay naming istorya.


Recent Posts

See All

Comments


Thanks for submitting!

Let me know what's on your mind

© 2023 by Turning Heads. Proudly created with Wix.com

bottom of page