top of page

Mag-Isa

  • Writer: Nhelmar Atienza
    Nhelmar Atienza
  • Aug 8, 2021
  • 1 min read

Updated: Aug 9, 2021

By: Yours Truly


Takot mag-isa

Kahit dito'y sanay na

Natatakot maiwan

Bakit nga naman?


Sa inyong paglisan,

Ako'y mag-isa na naman

At sila'y papasok

Sa isip ko'y kakatok.


Sanay man mag-isa ay ayokong maiwan

Dahil habang tumatagal, ay nilalamon ng kadiliman

Ang isip ang kalaban at muling iiyak dahil hindi kayang lumaban

May tao nga bang handa akong tulungang makalayo sa kadiliman


Pakiusap! Huwag nyo akong iwanan!

Sino man ang nariyan ako'y inyong tulungan

Dahil sa inyong paglisan, ang sarili'y aking kalaban

Hindi ako patutulugin ng puso kong sugatan


Ang hirap, pahirap nang pahirap

Hindi na ako makahinga

Lalaban pa ba ang puso kong hirap

O dito matatapos ang istorya?

Recent Posts

See All

Comments


Thanks for submitting!

Let me know what's on your mind

© 2023 by Turning Heads. Proudly created with Wix.com

bottom of page