top of page

My Love

  • Writer: Nhelmar Atienza
    Nhelmar Atienza
  • Aug 29, 2021
  • 1 min read

By, Yours Truly


Dalawang taon

Hindi ko akalaing aabot tayo ng ganon

Aaminin kong may takot sa puso ko

Na muling mahalin ka ng hindi buo.


Deserve mong mahalin ng buo

Higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo

Ayokong masaktan ka

Ngunit kailangan labanan ang takot na sukuan ka


Dahil naniniwala ako

Ang nararapat na pagmamahal ay dapat ibigay sa iyo

Hindi man tayo ang nararapat noon para sa isa't isa,

Sisikapin nating maging sapat ngayon para sa isa't isa



Kung noon, 'tamang tao ngunit, maling panahon',

Ngayon naman ay tamang tao, sa tamang panahon

Ilang beses man akong umiyak sa mga maling tao noon,

Pinuno mo naman ng kasiyahan ang puso ko ngayon.


Noo'y hindi handa ang puso kong ito

Sa pagmamahal ng seryoso at totoo,

Ngayo'y masasabi kong handa na ako.

Singsing na lang ang kulang, nasaan na kaya ito mahal ko?


Recent Posts

See All

Comments


Thanks for submitting!

Let me know what's on your mind

© 2023 by Turning Heads. Proudly created with Wix.com

bottom of page